I have always kept this notebook with me. I bought it April 03, 2017. Tanda ko ba nasa bookstore ako sa Yokohama at nainlove ako dito. I fell in love with the paper, the simplicity of the cover. It would be nice to record your Bucket List, as the notebook suggests. Maganda ang concept at siyempre maganda din naman ang mga pa bucket list concept eme. Ano pa ba ang ibang gagawin natin in life. Alang naman maghintay na lang tayo hanggang tumegi? Talaga lang ba? Yun na lang, lol.
Simple lang ang nasa loob. Ilista ang 100 bucket lists. There are two pages for every bucket list. 2017 ko pa ito nabili. Until now I have not used it. Naluma na lang ang cover. Nagka Covid na at lahat. After six years, it is still here, naghihintay ng isusulat ko.
Kanina habang nagaayos. Napansin ko na naman siya. Bakit ba hindi ko ito ginagamit. Ano pang silbi nito? Dahil ba medyo may kamahalan ang notebook na ito? Or katamaran na lang? May planner / journal / personal notes naman ako to be fair at tinatago ko naman siya. Or may malalim ba na dahilan? All of the Above.
Pag nakikita ko itong notebook na ito. Maraming frustrations ang riniremind sa akin. Mga pangarap na hanggang pangarap na lang. Mga pangyayaring naguwi ng hindi magandang alaala. Mga paalala ng kahinaan ng hindi pagtupad at pagkumpleto ng mga kung ano anong pangarap. So, ano pa ang silbi ng notebook na ito?
Yeah, hindi ko alam kung bakit yan ang feeling ko. Siguro sa pagsinulat ko ito, hanggang sa sulat na lang. I ji- jinx ko na lang. Naunahan lang ng nega. At pagod na ako sa pagbuo ng mga kung ano anong pa konsep at pa bucket list sa buhay ko, sa totoo lang. Ewan ko ba. Nadisillusioned na yata si accla.
Do not be fooled though. Madami din naman nangyaring milestones ano ho. Kulang lang sa 'deep documentation' haha bukod dito sa blog at mga pa instagram at X, formerly known as twitter, at Facebook.
Well, why could I not just throw it all away? Well, Nasasayangan ako. And the fact that I still have it with me means I cannot just give up on it. Pero OA naman yata yung six years ng paghihintay. Hindi naman yata puwedeng ganoong katagal. Ilang beses na rin ako nag Marie Kondo ng mga notebooks, pero this notebook still sparks Joy. I could not help but think about it the whole afternoon today. Gagamitin ko na ba? Ano ilalagay ko kung may planner naman na ako? Siyempre itratransfer ko lang haha.
Sana ngayong taong ito. May I overcome this fear. Wala naman sa bucket list ko ang magtravel sa Mars, ano ho. Simple lang din naman ang mga pangarap ko sa buhay. At ang mga bucket list naman is hindi lang pang materyal, puwede naman na say, Puntahan mo ang nawawala mong kaibigan at sampalin mo siya. Eme.
Sana magamit ko na ito. Ang notebook ng buhay ko. All those lost years came to an end in 2023. This year is the first of many years of discovery and finally, I am found. Enter Barbra Streisand, ' I finally found someone, someone who shares my life...'
No comments:
Post a Comment