Aug 4, 2023

Muni Munis of the Day

 Muni Munis of the Day. 

Back to regular programming na ho tayo. 

1. Nagfile tayo ng day off para sa mandatory check-up. Every two years ang annual general check-up dito at may kamahalan din ang bayad kaya gamitin natin ito. Basic lang naman with matching cancer screening pero feeling ko dapat may ECG at stress test na ring kasama. This is where my Philhealth goes. Which makes think bakit kaya walang mandatory APE man lang sa Pinas. I am for team health prevention. Mabuti ng ma agapan. Dama ko ang health scare. Dama ko din ang mga kemeng, pag sinimulan mo ng magpacheck-up, unli visit na iyan hanggang sa maubos ang savings mo. Pero Team Stoic tayo, char. It is what it is. Gusto ko may tumuturok sa akin. Lol.  

So after sedation and God knows kung anong pinagagagawa sa tiyan ko, dito tayo nakatambay sa cafe at naghihintay ng next appointment. Sabi ng doctor, pa check up daw ako after mareceive ko yung result kase mukhang high blood kineso na daw ako. 30 minutes of intense exercise is needed, thrice a day. Naisip ko bigla yung Zumba. Na hindi ko na tinuloy on a simple fact that I got busy and lazy at the same time. Gawin natin mag pafit. But overall,  I feel accomplished this time. Minsan kase the fact that I thought I won’t be showing up because of laziness, excuses and scare, by just showing up, by just going to the hospital check-up can become the bravest thing that one could do. 

2. Summer in the City. Oven init. Nakakatamad lumabas. At mga tao puro bakasyon ang nasa isip. But since I am your tropical girl, I like the vibes. But again I do not like the init. Sarap lang tumengga. My own version of vacation is mga pa singit na 1-2 days sa mga upcoming mission trips ko. I decide to extend my stay in Tokyo for four days in September. That’s my next me-time moment. I miss Japan and all its sophistication. Na excite tayo bigla. Wala tayong gagawin doon kundi bisitahin mga bookshops at kumain. Huwag na yung mga tourists spots. Umay na ako sa mga minimalists chenelyn nila. How I wish I have friends based in Japan, all the more reasonss that I want to go back there again and again. Pero wait, mag aaply pa lang ako ng visa at baka pahirapan na naman sa pag apply. 

3. It has sunk in. That moment I feel I am probably not earning enough and I need to reduce my lifestyle. I do not know. As if naman ang lifestyle ko is party party. Need to be conscious of my spending - which goes most to food, hair treatment, some dbet, and going out with my friends. Strange enough, I had a calm and cool reaction to it. It simply means sawa na ako sa kakaisip sa mga gastusin. I just want to live in the moment. But living in the moment can become a bit expensive too. Wala eh, magpa ka minimalist na lang muna tayo. Hindi naman bago sa atin ang mag adjust. The most important of all is huwag mag aksaya ng mga bagay bagay. It can go a long way.

4. I take inspiration from other people. I like listerning to them and to their stories. Sabi ng boss ko way back, kahit daw parang introvert ako bakit daw may talent ako na pag kumakausap ako sa tao parang nagkita na daw kami before. Una, malay ko ba, au naturelle. haha. Pangalawa, i must be a good conversationalist. Minsan na realize ko, it is it the reason why I my social life here in Korea is just as satisfactory that I can get. I must be a good listener. And I do not really make the most out of it.  

My point is, when I feel down, I have this tendency to just be with people, just listen and meet people and then ok na rin ako kalaunan. Siyempre, iiwasan mo din ang mga nega because it will stick with you. But I know the drill. ‘Kaya mo ba yung ginagawa ni Ate Yolly, Paulie, yung kumakausap na lang ng stranger tapos best in chika na sila?, di ko kaya yun,’, sabi ni Madam G. ‘Kaya ko naman pag nasa mood, hahaha’. Maybe that’s part of the answer. Maybe that is the reason why inspiration has not come in handy lately to me because I forget to take inspiration from them.

No comments:

Post a Comment