Random Phone Photos
Mangwon. I love Mangwon area in the city. Gentrifying neighborhood. Pagandahan ng concepts on restaurants and cafes and tea shops at kung ano ano para sa mga young professionals. Mga Korean restaurants and market na mga panahon pa ni Aling Tasing nandoon na. It is a blend. And yes, less tourists! Mabibilang mo lang mga foreigners because the district is just an emerging to be known outside loca.
Mangwon has affordable price. Think Sampaloc, Manila with order and without shirtless tambays. char. Meron ding malaking sports center, river park. Hayan, picnic lang mga tao by the river, enjoying the view. Marami din namang mga ganito sa ibang parts of the city, mas fancy pa nga, mas maraming facilities sa River Park (like Yeouido, Nodeul Som, Hannam-dong etc) but for me kase this is one of the most accessible. Ayoko na rin mag spend ng too much time traveling just to get there so Mangwon area is almost perfect. As for me, Mangwon is a place for biking and reading and meeting friends.
I like to eat and eat good food I must. Hindi lang puro Korean laman ng tiyan natin. Seoul has many international restaurants and somehow it is easy to find especially if you know the language. But one thing I miss is...Spanish Food. Hanap nga ako nito. Namiss ko Paella. Where can I find it. Anyhows, aside from Korean, Chinese, and Japanese, visible din dito ang Thai and Vietnam (siyempre nasa Asia tayo), Burger, Italian, Indian, and Middle Eastern. Very rare dito ang Filipino restaurants. Yung 'mala puwede mong isama ang mga guests mo' restaurants. Puro turo turo lang.
Hayan, mega try kami ng brain scanner kineso somewhere near my office. Free of charge naman siya. Hayan, Very High ang brain activity natin at Very High din ang Brain Stress. As usual kailangan daw ng pahinga. Best in Google din kung ano ang ibig sabihin nito. I must say Yes. I have been mentally tired these past few weeks. Kaya naman heto dapat sacred ang Sundays natin at the least, best in Me Time na muna at kung ano anong hobby and unwinding keme muna tayo. Kaso lang minsan ang bilis lang talaga ng mga araw araw lalo na pag nageenjoy ka.
O siya, maglalaba na muna ako. Literal na labada at baka pila balde tayo sa laundry shop.
No comments:
Post a Comment