Aug 23, 2020

Love Letter

Dear Me, 

Kamusta ka? Na bore ka naman ngayong Sabado. Gusto mo sanang umalis kanina. Tumambay at magkape man lang. Pero naalala mo na triple digit na naman ulit ang average daily cases ng covid-19 dito. Alternate work from home nga kayo in the next 10 days. Na move din yung Korean night class mo sa September. So, medyo doble ingat lang kahit alam mo naman na puwede ka naman lumabas. At umuulan din kaya medyo nakakatamad din talaga, to be fair.  

Pero bumili ka ng dinner ulam kanina. At natutuwa ka talaga pag lumalabas ka no? Kahit ilang minuto lang. Yung makita mo lang ang paligid mo. Kaya bumalik na ulit ang good mood natin. Bukod sa nakabili ka na ng ulam. Iniisip mo tuloy kung magkakape ka pa rin mamayang gabi pagkatapos mong isulat ang blog mo na ito. 

So, kumusta ka nga? Last na chika mo sa akin, sabi mo sakto ka lang. Studio- office - studio lang ang peg natin with Korean class and chikahan ng mga tita in between. Walang masyadong ganap. Ok din naman. Sa isip mo hindi mo naman na kailangan ng maraming ganap ngayong pandemic.  

Pero marami ka ring nabanggit sa akin to be fair. Sabi mo bumabalik ang 'morning anxiety' mo. And you said baka kulang ka sa tulog at gusto mo talaga iimprove ang sleep time mo. From average of 5-6 hours to 7-8 hrs and somehow you have not achieved it. Kaya naman lately medyo nageeffort ka talaga na matulog ng maaga para maachieve mo man lang ang 7 hours. 

Marami ka naman bang iniisip lately? Or alam ko na, nabobore ka naman ulit. Nabanggit mo din sa akin parang feeling mo parang 'nagmamadali ka lagi'. You have been feeling impatient lately. Why seem to be the case?

Dami mo na naman na oras na magisip kase ng mga kung ano ano na lang. Nabanggit mo rin medyo hindi ka talaga feeling committeed sa details. Or madali kang magsawa. 

Sunday. 

Ok naman na ang weekend aura natin. Carry na kesa naman kahapon. After mong magbasa sa coffeeshop, nag moment ka ulit kanina sa river. Mega commune ka sa water at mga ducks :). You thought of good things. You thought of other recurring thoughts. You thought of covid-19 and how it is coming like a wrecking ball (Miley Cyrus, pasok). You thought of your long overdue life's little projects. And you somehow are afraid to commit.  You thought if you could still pursue graduate studies. You thought probably this could be one of the better times to do grad school (you are ok doing it online) since it's covid and everything has been stalled for a while. You miss home. You miss being in a community. But there is a prayer of gratitude. And hope and faith and wherever they lead you. Some days you need these moments - this time, by the river with the ducks - to get by.

No comments:

Post a Comment