Post-Its

With a hot choco and a candle and a dim light and a jazz music  - plus that annoying sound of washing machine spinning - it still is a good time to write.

Kamusta naman ako. Magpapasko na. Sabi nila malungkot daw ang Pasko dito. I feel it sometimes. Pero ganoon talaga. I can get by naman. Marami namang hanash at mga gatecrashing moments sa mga get together ng Filipino community groups dito. Well, I can't believe 2016 is nearing to an end. This year has been memorable to me in so many levels! At please lang po Universe, kung may mga maghahabol pang hanash, puwede po ba yung positive hanash na lang muna! Yung mga save the best for last ang peg. At medyo po lampas na ako sa quota ng mga di ko bet for this year.

Well, first time ko maging overseas Filipinos. Yan definitely ang highlight ko. Almost perfect na sana pero mukhang yung mismong ipinunta ko dito - trabaho - ay ang aking naging source of frustration. Hindi naman yung trabaho talaga pero yung boss ko. Uninspiring talaga. 'Inaano ka ba ng boss mo!' sabi ni bff Madz. Natawa na lang ako. Kase to be fair, Wala naman siyang ginagawa sa akin. Hindi ko lang talaga siya matake na. Minsan napa isip na lang ako. Ang malas ko talaga sa boss. Pati ba naman dito?! Ano ba ginawa ko noong past life ko? Dinala ko yang sentimiento de patatas ng most time this year. Ang bigat minsan sa loob pag pumapasok ka. Wala ka ding mapagkuwentuhan. Promise. Hayan nag give up na lang. Tiyagaan na lang. Ayoko ng magexpect. Nawala na ang mga expectations ko dito. Heto, nag yo Yoga na lang. At medyo maganda pala ang effect niya to be fair.

Noong mga unang buwan, sabi ko kailangan ko ng maraming frienships dito, promise. Or mamamatay ako sa boredom. For one thing. I got frustrated again kase yung iniexpect nating mga first friendships - mga officemates - nakalimutan ko sa ibang bansa pala ako. Kase tayo naman, unang bungad mo pa lang, niyayaya ka na maglunch, di ba? Dito, kanya kanya. Pati yung isang Filipino na kafloor ko pa man din, medyo snub lang. Okay. Huwag na po nating ipilit. Ayoko naman magmukhang needy di ba! Again, hindi ko maalis sa isipan ko na mafrustrate.

Over time, hindi naman pala. May mga lakad din to be fair. Yung mga hindi ko tuloy iniexpect, yun ang mga dumadating. Tulad na lamang ng mga naging ate ate han ko dito na parang walang konsepto ng pahinga at ngumanga over the weekend. Hindi pa ba nila nalibot ang buong Korea mga anteh. Kung may mga Angels man, sila yun. Pag may gas pains, pag may headache, gustong magpasama sa facial, puntahan ko pag gusto kong magloiter (haha). I could not ask for more. And it just makes me proud to be a Filipino, char.

So what do I do now. I cannot help but look at the post-its I had pasted on my wall two weeks ago. Each post-it represents a week. And I have 50 post-its and that means I have 50 weeks before to officially decide to go home. Sa totoo lang, I am a feeling a bit sad because I never thought I could be this so forward looking. Hindi ako sanay magbilang. But the only good reason for me why I do this is I need to find where can I be with the best people, however and wherever it takes. For once in my life, sana naman maranasan ko yun. Kahit alam kong masyadong ideal lang yun. Somehow, I feel the excitement this brings because I have to prepare for just about everything. When each week passes, I replace a post-it with a round post-it, and I am seeing two round post-its. Only 48 to go! I keep the post-its by the way and write random thoughts on it.






















Comments

Popular posts from this blog

2017 and everything in betweeen

Wish and Rejection and Being Sexy

Muni Munis of the Day