Lungkot. Siyempre naman kahit papaano napamahal na rin sa akin yung lugar, yung mga kasa kasama ko dito, yung mga everyday moments dito. It has all contributed to what are you becoming. It is still a process.
Noong tinanong ako kung ano ang mamimiss ko, number one talaga yung 'efficiency ng mga bagay bagay'. Napaka predictable at nakakadagdag talaga sa quality of life eh. Example na lang, prinocess ko kanina yung severance payment ko. Siyempre kumpleto naman yung documents na ibinigay ko tapos hayun, tapos na! Binigay sa akin yung parang claim stub ko. Parang point of no return ka na noon. Paglabas ko ng building, napa moment na lang ako. Ang sarap din magmoment lately. Sakto lang yung lamig kanina. Char. Of course yung severance payment, baon na rin paguwi pero yung moment na 'Sayang, I could have stayed longer. Next time na lang ulit'. Kaya na sad din naman ako.
Excitement. Siyempre, uwi na. Dating gawi. Bagong tahak. Excited as to what will be the next adventure. Begin Again ang drama. I promise myself to just be steady until next month. Yung mga moment na chill lang muna. How I wish it will be easy for me to find a rented room again in Manila. Yan ang preoccupation ko lately. Saan ako titira!?
Napaka tricky din kase ng situation ko, kung marenew yung contract ko (with a different capacity), stay put muna ako sa Manila. Pag hindi matuloy, uwi muna akong Bikol. Pero mukhang balak yatang sabihin sa akin ng boss ko kung tuloy o hindi sa mismong last day of office ko din eh. I do not like kindergarten surprises, madam. Pero iba na rin kase yung focus ko eh. More on Begin Again ang peg eh.
Mixed Emotions. Ano ba ang ibig sabihin ng mixed emotions? Hindi ko maexplain masyado. Well for one thing, tamad na tamad na tamad talaga ako lately. Yung gusto ko sanang magbasa ako ng libro, wit na muna. Gusto ko magligpit na at magtapon ng unti unti, malamig sa labas. Sa opisina, naghihintay na lang ako ng instructions. Is this separation anxiety or katamaran lang talaga? I think it comes with the weather. Sa awa ng Diyos, negative degrees pa rin naman siya sa labas.
Mixed Emotions. Hindi ko maexplain. Pero purong pasasalamat sa lahat. Kahit kay Ate doon sa suki kong convenience store. No fanfare. Intimate dinners here and there. A heart with a gratitude and smile. I am ready for next. Sabi nga ni Abba, 'Standing calmly at the crossroads, no desire to run. There is no hurry anymore when all is said and done'
Now, how I wish i can start packing my suitcase na.
No comments:
Post a Comment