Sunday, January 03, 2016

Aura Goals 2016

Paulit ulit na lang. There are chances na ang mga isusulat kong mga 2016 Resolutions ay more or less the same nung mga ibang past year's resolutions. 'Work in progress' lang naman yan! Improved formula, parang bagong Tide detergent. Siyempre, feeling ko naman may bago akong isusulat. Kaya heto. 

Tulog Pa More. I am reminded that one of last year's personal goals is to get an average 7-8 eight hours of sleep everyday. Sa totoo lang hindi ko ito naachieve, kahit ilang beses na akong nagtry. Nag average 5-6 hours lang ako last year. Iba talaga ang feeling pag may sapat kang tulog. Una, makakaisip ka ng matino at kahit papaano light ang feeling mo kahit stressed ka! Pangalawa, pampaganda daw talaga ito, according to Science. 

Basa Pa More. Sa totoo lang, sa linya ng trabaho ko, marami naman talaga akong binabasa. Mga government technical reports, kung ano anong frameworks!, mga libro on urbanization, mga batas, mga good practices, yung iba mga hindi ko maintindihan, maka basa lang. Char. Marami naman talaga siya and I must because I am a professional. 

Siguro ang nawala sa akin ay yung Feeling ng Leisure Reading. Yung talagang babad ka sa binabasa mo bukod doon sa mga work-related stuff. Yung kailangan ko talaga siyang ma- imbibe at kung puwede nga mag highlight at mag bookmark! Na miss ko yung feeling habang binabasa ko yung Hiroshima ni John Hersey and Cold Blood ni Truman Capote. Na miss ko yung Feeling habang binabasa ko yung Days of Disquiet, Nights of Rage ni Jose Lacaba. Yung Sociological Imagination ni C. Wright Mills. Yung mga Tikim articles ni Doreen Fernandez. I just need to reclaim the habit of reading.

Write Pa More. Ito paulit ulit. Hindi naman ako magsasawa dito dahil ito talaga ang isa sa mga talento ko. Gusto ko magsulat ng mga makabuluhang bagay. And not to mention, To Write Well! Kung ano mang mga topic, dapat in line sa interest ko and since non-fiction and sociology ang mga interests ko, dapat factual at hindi lang anecdotes. I need to be published sa mga bonggang peer journals, magazines, and online. Mga ganyang level. I can start sa blog ko so I can practice my writing more. 

Frugal Pa More. Gusto kong taasan ang level ng ascetism ko. To be fair, hindi naman ako highly consumerist. Bisyo ko lang talaga kumain, mga libro, mga pang taxi, pang Uber, mga panaka nakang bigay ng baon (aka pera) kay mudra at mga kapatid, Take note of that word, 'bigay', haha. Bakit ko naman idedeprive ang sarili ko in the first place sa mga ganito. Siguro taasan ko lang ang level ng mga alternatives ko. Like puwede naman Mami kaysa Ramen, Fx kaysa taxi, 3 in 1 kesa Starbucks. Mga ganoong level. Sana. Feelin ko malabo. Haha.  

Music Pa More. Ito ang nawala sa akin. There were years when I could indulge music and could organize music files at medyo naging favorite past time ko talaga siya. Well, Justin Bieber's album is good. Thanks to Spotify. At sana mamemorize ko na ang mga lyrics ng mga gusto kong kinakanta. 

Campaign. Sa totoo lang. Ayoko sana eh. Pero pag nababasa ko yung mga argumento ng iba sa social media, yung mga baseless, o yung mga outdated claims, yung mga 'privileging', yung mga masyadong reductionist, yung nag ooversimplify ng mga pananaw na parang ang pagpili ng political leaders ay para lang pagbili ng suka sa kanto, yung maka Mura lang, kailangan kong mag contribute sa 'diskurso'. Para lang siguro maenlightened. Hindi lang sa social media pati na rin sa araw araw na chika. Sayang naman ng binabayad na taxes ko kung mga hindi ko feel ang nasa posisyon. Masaya ang eleksyon ngayong taon. Pero sana Mas Makabuluhan. 

Domesticity.  Ang ibig sabihin lang nito, improve ko lang mga household chores, kailangan ko i practice yung mga art of folding, ironing, recycling, cooking, organizing, packing, at mga art of removing stains na yan. Ito talaga ang stressors ko, paano maglinis at magmaintain ng apartment! I need to prepare. Lalo na at ako ay luluwas. Mag May I channel Martha Stewart na ako as early as possible. Ihanda na ang Pintest for more inspiration.

Be Flexible. Hindi biro ang mangibang bayan and you have to prepare. Feeling ko nafefeel ko ang pagiging OFW (at least sa mga requirements). Hindi biro dahil una, hindi naman ako turista doon. At ayoko naman na opisina-bahay lang ako at mag lock sa apartment at mag FB lang. Ayoko sanang i-sensationalize ang mga preparations ko pati yung mga lungkot lungkutan dahil ayokong unahan ng kaba. Mixed feelings din kase. Minsan pumapaibabaw yung excitement. Minsan andoon yung uncertainty. Until now kahit alam kong 'pera' na lang kailangan ko, haha, hindi pa rin masyadong nagsisink in. 

So for this 2016, 'Tiwala lang' ang peg. Mahirap makipag argue masyado kay Father Time. Trust the process. Embrace the changes. Malay mo andoon na si Mr. Right. Open lang ang heart and legs. Ayoko na ng What Ifs! Gusto ko ng Why Not! I-Aura ko na lang ito. Diligent naman akong estudyante ng buhay. Naks. Sparkle lang. Parang champagne lang. Parang chandelier.

No comments:

Post a Comment

Dear Me

Dear Me. Barely a month after akong nakauwi from my overseas work, feeling ko all of a sudden ang dami kong time. I mean nawala yung routi...