Hindi pa tapos ang taon pero gusto ko na magsara ng tindahan. Besides, wala naman tayong standard na sinusunod. I will be meeting a friend later na malapit sa office, so andito tayo sa office on a weekend, all by myself. Gusto ko magorganize ng mga documents, magshred ng mga papel, at magmoment lang sa desk ko amid the silence.
So how has it been 2024 for me? Siyempre madaming feels. Isa isahin natin.
No. 1. It is the year na feel ko na bumagsak talaga ang katawan ko. Nag age ang aking katawang lupa. Nagka hypertension. May maintenance na. Ubo ng ubo. Mabilis ang mood swings. Feeling ko ang bagal ko ng kumilos. Mas lumabo ang mata. Dumami ang wrinkles. And in summary, tumanda talaga ako, sa isip, diwa at sa gawa eme.
Menopause na ba ito? (Andropause mih eme). So here we are nagpapakahealthy. Move and jog and yoga as much as I can. Kape once a day na lang or none at all. Ubusin muna natin yung mga kahon na mga tsaa na binigay sa atin na ayoko naman itapon na lang. And equally important, also my emotional and menal states, I feel the ‘lie low’. Mas gusto ko na sa bahay muna ako as much as possible at least one full day on a weekend. Ok na sa akin ang walking around the neighborhood or yung mga 15 minutes away from my residence lang ang drama kung gusto kong lumabas.
No. 2. Emotions had taken me over, sabi nga ni Bee Gees and ni manay Beyonce. Mabilis tayong mainis at naging impatient sa mga bagay bagay. And yes, nagsusungit minsan especially when I am alone na may mga moments na, ‘Ganito na ba talaga ito?’. Do not get me wrong, it was not directed to any person. But more on a generalized conditions. There is the impatience, chronic pagkayamot, or just plain uninterested. It makes me sad. Why? Because hindi ko mafigure out. This year, umiyak tayo sa boss natin ng dahil sa allowance. Sabi ng boss ko na may malaking dahilan bakit ako umiyak at yan ay pagod sa trabaho at hindi sa allowance. Pag binalikan ko tuloy, nagmukha tayong irrational, and yes, napagod tayo sa trabaho on a deeper level and to think second quarter pa lang yun. I actually think of going back to counseling again this winter to keep me at bay.
No. 3. Lumabnaw ang social circles. Naging busy ang mga tao. Kanya kanyang priorities muna. Here, mga tita friends ko, instead of magkape at mag lunch out altogether on a routine basis, sari sarili munang schedule. Yung pinaka leader ate atehan namin, nagtayo na ng tindahan kaya hindi na siya mahatak anytime. On the other hand, something to look forward to kase tambayan kahit medyo effort pag punta. Narealize ko kailangan na natin iactivate ang pagiging Miss Friendship natin besides natural naman tayong Miss Friendship. In a genuine way ha yung hindi naman pilit. Yes, I felt alone and got bored.
No. 4. Money. Medyo hindi natin na manage ang budget. Wala naman tayong loan for this year. Hindi naman tayo negative. But more on the spend as it tayo for today’s vidyow. Nothing wrong with that and empowering naman siya. I just feel like would have been better if I have a little bit more money at nagagamit ko talaga mga purchases ko ng maayos. Minsan kase tapon lang or matagal bago gamitin. Yung social security natin isang taon ng walang hulog.
Sabi ko naachieve ko na yata ang materiality level ko sa lagay na ito. I may not have my own home. I won’t have a car. I will just inherit my family’s properties. I do not even have a watch. And it’s fine! haha. So, Lord, ibigay mo na lang sa akin ang comfortable and fulfilling life at iupgrade natin ito step by step with a little bit more money on board.
No. 5. Most of the time I am just busy doing Life and that’s how it is. I need to consolidate, to work and use what’s available around me and celebrate. This year, I have lost focus on bigger things. And it’s been flat. Much as it is fine and ‘routine’ pero need naman natin mag look forward at iwork out and mag take risks on some of the things we hold dear. Yung mga pangmalakasang life projects natin, concept pa rin. Yes, I realize that we think we have time pero actually we have less time. Ang bilis bilis na ng oras for me. Maglinis lang ng banyo, inaabot na ako ng siyam siyam.
No. 6. In 2024, namiss ko yung pagka bakla in the most meaningful way possible, yung konting paandar. Eh natural naman tayong taglay na magpaandar haha. I think it will be a little less boring and more exciting for me if i can add a little more flair to my Bridget Jones' Life. So, here’s to again to the flair, perseverance and zest hereon and beyond because I feel that’s the way it is.