Posts

Showing posts from June, 2015

Kamusta ka naman 2015 so far.

'Ok naman ako so far. Nothing's new'. Kadalasan ito ang bungad ko pag tinatanong ako ng mga kaibigan ko. Siyempre, habang tumatagal ang chikahan, meron naman palang bago sa akin kalaunan.

So, kamusta nga ako so far. Heto, tapos na ang mid 2015. Ang bilis lang ng panahon. Pero gusto ko munang magpasalamat sa Divine Universe dahil hindi niya ako pinapabayaan. Medyo hindi ko lang bet ang first six months. Nakailang dalaw ako sa hospital - bisita sa aking kaibigan, sa magulang ng aking kaibigan, kahit kapatid ko na inatake ng appendicitis, kaibigan kong nirush sa hospital dahil sa gout. Naging common sight sa akin ang dextrose. Ang latest ay yung isa kong kaibigan, si Lolay, and sadly, she passed away battling cancer. Malungkot sa aking kalooban na malaman ang dinanas niya pero at peace na rin naman ako dahil alam kong masaya na siya. 
Nalungkot din ako sa sarili ko kasi kahit hindi ko naman control pero naisip ko bakit 'in season' ako sa hospital ngayon. Minsan naisip…