Friday, June 26, 2015

Kamusta ka naman 2015 so far.

'Ok naman ako so far. Nothing's new'. Kadalasan ito ang bungad ko pag tinatanong ako ng mga kaibigan ko. Siyempre, habang tumatagal ang chikahan, meron naman palang bago sa akin kalaunan.

So, kamusta nga ako so far. Heto, tapos na ang mid 2015. Ang bilis lang ng panahon. Pero gusto ko munang magpasalamat sa Divine Universe dahil hindi niya ako pinapabayaan. Medyo hindi ko lang bet ang first six months. Nakailang dalaw ako sa hospital - bisita sa aking kaibigan, sa magulang ng aking kaibigan, kahit kapatid ko na inatake ng appendicitis, kaibigan kong nirush sa hospital dahil sa gout. Naging common sight sa akin ang dextrose. Ang latest ay yung isa kong kaibigan, si Lolay, and sadly, she passed away battling cancer. Malungkot sa aking kalooban na malaman ang dinanas niya pero at peace na rin naman ako dahil alam kong masaya na siya. 

Nalungkot din ako sa sarili ko kasi kahit hindi ko naman control pero naisip ko bakit 'in season' ako sa hospital ngayon. Minsan naisip ko rin, mag pa confine na rin kaya ako at mag staycation. Tutal, health is wealth, meron naman akong health card, at bigyan ko naman ng konting paandar. Noong pauwi na ako mula sa wake ni Lolay, sabi ko sa sarili ko, 'ayoko na munang magbisita sa hospital for a long time'. 

Pero kalaunan sabi ko ibahin ko na lang ang pananaw ko. Wala namang masama kung iembrace ko ang concept ng wellness at tingnan ko ang isang trusted na hospital or puwede namang clinic na lang muna as part of my community. Suki lang ang peg. Sa totoo lang, bukod talaga sa pagstay sa hospital dahil sa sakit, ang gusto ko iwasan ay yung mga moments na pag nasa hospital ako ay wala akong  kakilalang doktor. Yung maghahanap ka pa at kung mamalasin ka, baka hindi pa maganda ang doktor na mapunta saiyo. Besides, I do not like the idea of interns examining me. Hindi ako guinea pig. Eh kung inaatake ka na at maghahanap pa lang ng doktor at ayaw mo ng interns. Kaya heto, medyo iniexpand ko ang directory ko ng mga doctors. Pati quack doktor, maghahanap na rin ako at ilalagay ko sa phone book ko. 

Ano pa ba, heto isa din sa mga issue ko lately ay mukhang yung isang matalik kong kaibigan ko ay wala na yata akong balak kitain for life. Medyo unfair siya kung tutuusin. Para kaming may mutual hinanakit sa isa't isa. Ang hinala ko, banggit ko kay Rency, na isa naming common friend, ay insecure siya sa akin, haha. Hayan, lumabas na rin ang pagka bitchesa ko. In this irony of life, huwag ka na lang mabibigla kung kahit yung mga bff mo ay bigla na lang mag missing in action. Pangalawa na siya in a span of six months. Naisip ko nga baka ako naman ang problema, sabi ko kay Rency. Hayaan ko na lang daw dahil siya naman ang nagdesisyon. Actually, okay naman sana  sa isang pagkakaibigan yung mga moments na 'hindi na muna ako magpapakita dahil mag fofocus muna ako sa life ko'. Eh pero yung hindi ka magpakita dahil wala kang perang panggastos, iba ang dating sa akin. Una, ayoko ng rinireduce at minimeasure ako sa kung magkano ang nasa loob ng wallet ko. Dahil iyan ang tinuro sa akin ng mga magulang ko. Pangalawa, never in my entire life that I measure my friends in terms of how much they have, how big they earn, how accomplished they are. Dahil hindi naman ganyan ang itinuro ng mga parents ko din. Hindi naman ako choosy sa mga friends, maliban lang naman siguro kung serial killer siya. 

Ang point ko lang naman is pointless. Sabi ni Rency, try to understand his situation. Medyo he is stretching his peso. Kung sa understanding the situation, matagal na. What about trying to understand my situation din kaya.  Nagiging acute ang pananaw kung dadaanin mo sa pera ang lahat lahat, pati pagkakaibigan niyo. Chronic iyan. Imagine hindi kayo magkikita dahil sa pera. Tapos malalaman mo post ng post ng travel. Okay, pera pala ha. Teka, saan kumakain pag nagkikita? sa hotel? sa club? Inday, sa Jolibee kami halos nagmemeet at kape sa Starbucks! Yun lang ang gastos. At hindi ko inisip ni minsan na Cheap ang Jolibee as meeting place for us to catch up. Puwede naman umutang. Puwede naman humindi. In the first place, hindi naman kayo naging magkaibigan dahil sa pera, in my case. Or hindi niya na lang na bet. 

So what do I do. Wala. Hayaan na natin. Na ha highblood lang ako. 

So ano pang chika. Heto, July na. For the remaining year, gusto ko bongga. Yung bonggang may hawak akong kutsilyo sa kamay dahil pag may umangal direcho saksak. I am thinking chuckie. haha. Siguro nahawaan lang ako ng friend ko kagabi. Iba din ang pag ka OC noon. Kung kailangan daw maputol yung dalawang paa niya para matapos ang degree niya, okay lang. I know he's just joking pero imagine you will trade your legs for a post doctoral degree. That's really something! So resolute. I admire his resolve. 

Kaya hayun. Chill lang. Huwag na masyadong magreklamo. Magtrabaho ng maayos. Wala na munang masyadong gastos. Huwag mag aksaya. Yung mga tipong ubusin muna ang mga pagkain sa ref bago maggrocery ulit at yung ubusin mo muna yung mga pahina sa mga notebook mo bago bumili ulit, yung basahin mo muna yung isang  libro bago bumili ulit. Mag ipon. Kailangan ko ng konting paandar next year. 

In the meantime, puwede na palang magpakasal sa US. Hahanap na ako ng partner doon and I will out work my dual citizenship. Kahita success story ang peg. Pero gusto ko dito pa rin ako nakabase sa Pilipinas. Wala lang. Mas mahal ko bansa kong sinilangan. Pero minsan maiinggit ka rin, buti pa gobyerno doon napaka developed. Imagine, kung tayo sinosolve natin kung paano tayo aangat mula sa kahirapan at kung paano alisin ang uber corruption, sa mga developed countries, kasal ang issue nila. Siguro sa ibang developed countries, sa sobrang developed nila at sa sobrang mataas ang quality of life, wala ng ibang napaguusapan, puro na lang paandar. I mean, kahit siguro pagaaral mo ng graduate school, libre na. Imagine. Binabayaran ka ng gobyerno para mag aral. Kahit siguro mga book clubs doon may sustento pa. Binabayaran kang magbasa ng libro at ibahagi ang nabasa mo. Not because these governments have lots of money and they do not know where to spend but because they want to improve further their collective so that they can improve their society in return. See the logic. Kaya nga yumayaman pa sila and they attract the best of minds and including Filipino young people. At ano ang natitira sa atin, and please forgive me if I say this, latak! 

But of course, I take the latak back because I do not believe it because those who choose to stay in this country and work for this country while they are young and beautiful and they make wealth here are equally considered as Modern Day Heroes.  

Eh wala eh, This is the best country we've got. Aangal pa ako. Thanks to my Tabon man ancestors who might have probably been crossing land bridges, Pangaea time,  and ended up in this mass of land called Philippines. Or to my Chinese Malay ancestors of mine who ended up trading here. Hindi man lang sila lumayo ng konti.


Thank you 2017.

Few days left of 2017. Where have all the time gone? Since I have a forgetful memory, I look back at my Instagram and rekindle the fondest o...