(Morning) Balak ko talagang magabsent ngayon sa opisina. Kakausapin ko yung mga advisers ko sa UP at magme  'Me Time' kalaunan.  Gusto ko na talaga ng Me Time. Maraming negative paandars sa opisina lately. Dagdagan mo pa ng mga trabaho. Opo, nagrereklamo po ako. Ok na sana ang skaydule. But then hayun, pag gising ko, pa baha na ang buong kaMaynilaan. Wala ng punta sa UP. Pero marami ng Me Time. Gusto mo ng Time! Bibigyan kita ng TIME!, sabi ni Lord. Kaya heto, blessings in disguise ba ito. I believe so. Kaya heto naguupdate ng blog. Nag sindi ng kandila para kay Mama Mary. All silent in the eastern front, recharging my soul. Pahinga talaga. Pero sana wala ng ulan later. Napapa lakwatsa ako, birthday din ni Goddessified pero mukhang ayaw munang umawat si Bagyong Mario. We'll see about that later.

So ano pang chika mo? ayoko na sanang magsulat about my kabusyhan dahil sa totoo lang ayoko yung glinoglorify ang kabusyhan ko. Well, I can talk about it for a while with my friends pero hanggang doon lang muna. Wala ako sa mood ngayon. So aside sa paging busy sa work, which is enough for me to put food on the table, heto... napansin ko ang dami ko ng librong hindi nababasa and to be fair, irritation ang dulot sa akin nito. Alam mo naman ang sakit ko is to get as many books and read them a little later, parang enrol now, pay later lang ang peg. As in later, meaning mga one year after. Mukhang marami na akong hindi nababasa at yung kay Richard Florida's Who's Your City is months-old na. Marami naman kase po akong binabasa manay. Sa trabaho pa lang, kung ano ano na lang. Pero sige ha, push pa rin natin ito.

Hindi pa ako nagpreprepare for Mariah Carey concert. Wala pa kaming poster. Wala pang design ng tshirt. Pero at least meron na kaming theme. Kailangan pa daw naming maghotel na malapit sa venue. Sabi ko kay Ghe, my lamb frenie, hindi ko naeenjoy ang mga preparations ko for Mimi's concert, given all the busyness lately. Kaya I have to Make Time. Sabi pa niya, I have to make sure I memorize the lyrics correctly at nakakahiya daw pag tinawag kami ni Mariah (yeah, we got this Illusion at atmospheric levels!) So, ano ng gagawin ko? heto nga nagpapatugtog na ng Mariah Carey sa Spotify.  This week, I promise to myself na may milestones na kami :)

(EVENING) Hindi tuloy ang birthday ni Goddessified. Typhoon Mario had been making all the paandars. Flood everywhere. And for the first time since I do not remember, I  had a good two hours afternoon sleep. At medyo mahilo hilo ako pagkagising ko. Hindi talaga ako sanay ng maraming tulog to be fair. So, feeling ko marami among energy ngayon. Outside naman, the neighbours have been busy drinking. Yes, tumagay pa nga ako kanina. Sabi nila 'writer' daw ako. Wala na lang akong nasabi. Pinandigan ko na tutal nagsusulat naman talaga ako. Sabay inom. Sabay abot ng macaroni soup na nasa red cup. Then I excused myself. Namiss ko na rin ang mga community drinking na ganyan. It is so real. Kaso medyo yata nakainum na rin ang mga lolo at lola kaya medyo maiingay na sila, halakhak na. Gusto yatang lumusong sa baha dahil napapa Mcdo daw sila.  Tingnan mo,  naririnig ko na sila. Good luck sa mga palaka diyan sa entrance ng village. May marshland kaya diyan. You, wading, and the frogs,  swimming and leaping with so much joy.

Anyhows, I feel grateful for this day. I mean it. So, let's make the most out of this.